Australia – Planado ang nangyaring ‘murder-suicide’ ng mag-aama sa isang tahanan sa Sydney, umaga ng Biyernes.
Ayon sa mga Sydney police, pinatay ng ama ang nasa 15-anyos nitong lalaking anak at ang 13-anyos na babaeng anak bago ito nag-suicide.
Natagpuan ang mga bangkay ng dalawang teenager sa loob mismo ng kanilang bahay matapos marinig ng mga kapitbahay nila ang ilang tunog ng putok ng baril.
Sa di kalayuan naman na natagpuan ang bangkay ng 68-year-old na ama nila na si John Edwards matapos na mag-suicide.
Natagpuan sa tabi ng bangkay ni Edwards ang dalawang mataas na kalibre ng baril.
Ayon sa mga kamag-anak ng mga ito, labis na dinamdam ni Edwards ang pag-aaway nila ng kanyang asawa sa kustodiya ng kanilang mga anak.
Nangyari ang malagim na krimen sa kabila ng istriktong batas sa paghahawak ng baril sa bansa. (Remate News Team)