Ama rumesbak sa anak na bumugbog sa magkapatid na estudyante, tinutugis

Ama rumesbak sa anak na bumugbog sa magkapatid na estudyante, tinutugis

September 27, 2022 @ 12:28 PM 2 months ago


SOUTH COTABATO- SA halip na siya ang sumaway sa kanyang anak, tugis ngayon ang isang ama ng menor de edad na tumulong sa pambubugbog sa magkapatid na estudyante sa labas ng paaralan nitong Lunes sa bayan ng Surallah.

Kasalukuyan naman nagpapagaling ang magkapatid na estudyante matapos magtamo ng mga pasa at bukol sa katawan habang pinatawag na ng pamunuan ng Surallah National High School ang mga estudyanteng sangkot sa pambubugbog.

Kwento ng lola ng mga biktima na si Eden Malaga, simula pa lamang ng flag raising ceremony ay binully na ng suspek ang kaniyang 16-anyos na apo.

Aniya, kinutya-kutya ang kanyang mga apo at sinabing pangit ang mga suot nilang gamit subalit hindi na lamang ito pinansin ng kanyang apo.

Hanggang sa lunch break, hindi pa nakuntento ang mga suspek at nilapitan pa ang kanyang apo at hinamon ng suntukan.

Agad naman pinatawag ng pamunuan ng paaralan ang mga sangkot na estudyante at pinagsabihan na sa pag-aakala ay nagkaayos na ang mga ito.

Hanggang sa oras ng uwian, hindi pa rin tapos ang suspek at dito na nila binanatan ang mga magkapatid hanggang sa tumulong pa ang ama ng isang mag-aaral.

Matapos ang pambubugbog tumakas ang ama ng suspek at ngayon ay nahaharap sa kasong Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse.

Dinala naman sa tanggapan ng local Social Welfare and Development Service ang mga menor de edad na estudyanteng sangkot sa rambulan para sa karampatang disposisyon./Mary Anne Sapico