Amang sinundo ng anak sa tagayan nahulog sa motor, tigok!

Amang sinundo ng anak sa tagayan nahulog sa motor, tigok!

January 13, 2023 @ 11:18 AM 3 weeks ago


ILOCOS SUR- PATAY ang isang ama matapos mahulog sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak makaraan matulog umano dahil sa kalasingan, kahapon sa bayan ng Narvacan.

Kinilala ang namatay na si Jomar Antonio, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Police Major Arcadio Viloria, hepe ng Narvacan Police Station, sinundo ang biktima ng kanyang anak sa inuman.

Pinasakay ng anak ang ama sa likod ng motorsiklo habang binabaybay ang kalsada bigla na lamang bumagsak si Antonio at tumama ang ulo nito sa gulong ng motorsiklo.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima subalit nalagutan rin ng hininga habang nilalapatan ng lunas./Mary Anne Sapico