Amang sumaklolo sa nalulunod na anak, patay

Amang sumaklolo sa nalulunod na anak, patay

April 28, 2022 @ 11:06 AM 2 months ago


LEGAZPI CITY- Hindi inakala ng isang ama na ang pagsagip niya sa nalulunod niyang ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan matapos siyang lamunin ng alon sa dagat na sakop sa lalawigan ng Albay.

Kinilala ang namatay na si Danilo Abando, 40-anyos, residente ng Daraga, Albay, habang ligtas naman ang 11-anyos na anak na babae.

Batay sa report ng Legazpi City-PNP naganap ang insidente sa may karagatang sakop ng Barangay Rawis, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya,nagtungo dagat sa may boulevard ang mag-ama para mangisda .

Subalit habang nasa boulevard bigla na lamang nadulas ang anak ni Abando at nahulog sa dagat.

Nabigla sa pangyayari ang ama kaya agad itong tumalon sa dagat at hindi na pinansin ang malakas na alon para sagipin ang nalulunod na anak.

Ilang residente naman ang nakakita sa pangyayari at tinulungan ang mag-ama na iahon mula sa dagat.

Masuwerte naman nailigtas ang batang babae habang si Abando ay tuluyan inanod ng alon.

Ilang minuto ang nakalipas hindi pa rin nakikita ang katawan ni Abando hanggang sa rumesponde ang mga tauhan ng coast guard at nakita ang katawan ng biktima.

Dinala naman sa ospital si Abando pero idineklara na rin itong patay ng umatending doktor./Mary Anne Sapico