Amasona sa coastal town ng Isabela, sumuko

Amasona sa coastal town ng Isabela, sumuko

December 12, 2021 @ 2:29 PM 10 months ago


ISABELA-Dala ng kahirapan na mamuhay sa kabundukan ay sumuko at nagbabalik-loob sa pamahalaan ang isang babae o amasonang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Tapigue, Barangay Ayod, Dinapigue, Isabela.

Mga naranasang hirap at psychological torture ang mga dahilan kung bakit boluntaryong sumuko sa gobyerno si alyas “Gladys”, 29-anyos, miyembro ng Section Guerilla Unit ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Ayon kay alyas “Gladys” sumama siya sa kilusan sa ilalim ng grupo ni alyas “Davao” noong ika-5 ng Pebrero taong 2016.

Nang mamatay ang kanilang lider sa engkwentro, napagtanto noon ni alyas “Gladys” na walang kabuluhan ang kanilang ipinaglalaban sa pamahalaan.

Nag-udyok din sa pagsuko ng 29-anyos na dating rebelde ang pagbabalik-loob din ng kanyang mga kasamahan noong Disyembre 7, 2021.

Pansamantalang nasa kustodiya ng kasundaluhan si Alyas “Gladys” habang pinoproseso na ng Isabela PTF-ELCAC ang mga tulong na matatanggap at ibibigay ng gobyerno kapalit ng kanyang pagsuko para sa kanyang pagbabagong buhay. Rey Velasco