‘Amatz’ ni Shanti Dope pasok sa bagong episode ng ‘The Falcon and the Winter Soldier’

‘Amatz’ ni Shanti Dope pasok sa bagong episode ng ‘The Falcon and the Winter Soldier’

April 3, 2021 @ 8:26 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Napakinggan ang awiting ‘Amatz’ ni Shanti Dope sa Madripoor, isang fictional Southeast Asian city na matatagpuan sa Singapore at Sumatra.

Pinamagatan ang episode na “Power Broker” kung saan dalawang hero ang naglalakbay upang makapaghanap ng clue kung saan makakukuha ng bagong batch ng Super Soldier Serums.

Maaalalang naging kontrobersyal ang naturang awitin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ipinagbawal noong 2019 dahil sa nag-uusig ito umano na gumamit ng droga. drug use.

Bida sa “The Falcon and the Winter Soldier” sina Anthony Mackie at Sebastian Stan. RNT/Ronnie Carassco III


  •  
  •  
  •