Ambag ng media sa pamahalaan kinilala ni PBBM

Ambag ng media sa pamahalaan kinilala ni PBBM

December 3, 2022 @ 11:02 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tungkulin ng media sa pagtataguyod ng bansa at tinukoy ang gampanin nito na hikayatin ang publiko na suportahan ang mga programa ng gobyerno.

Ani Pangulong Marcos, ang kanyang mga plano at ambisyon para sa bansa ay maaari lamang makamit sa pamamagitan ng “unified effort” ng mga Filipino.

Magiging posible lamang aniya ito kung maipababatid at maihahatid ng media ang mensahe ng pamahalaan sa publiko.

“So the pledge of support and to bring our message to the people is an important one. It is something that those of us who are in government consider to be an integral part of whether or not we are successful or not,” ayon kay Pangulong Marcos sa  courtesy call ng mga opisyal ng Radio Mindanao Network (RMN) sa Malakanyang.

“And by that, I mean that we need to know that everyone understands what we are trying to do, everyone understands what they can do to help, everyone understands why and the method of what we are trying to achieve. And that is the most important thing for us,” ani Pangulong Marcos, base sa ipinalabas na kalatas ng Office of the Press Secretary (OPS).

“Bringing the government’s message across is key to galvanizing citizen support for them to work with the state, private sector, small communities, the micro, small and medium enterprises (MSMEs) and all other sectors to attain development,” giit ni Pangulong Marcos.

“When the public gets the information and the message is out there, people will put their shoulder behind the wheel and work toward a collective goal,” dagdag na wika nito. Kris Jose