Ambag ni PNoy sa kapayapaan sa Mindanao, kinilala ng BARMM

Ambag ni PNoy sa kapayapaan sa Mindanao, kinilala ng BARMM

June 25, 2021 @ 2:38 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Tatlong resolusyon ang inaprubahan ng may 80 miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) bilang pagpupugay sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino gayundin ang pakikidalamhati at pakikiramay sa kaniyang mga naulila.

Kaalinsabay nito ang paglalagay sa half-mast sa bandila ng Pilipinas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi ni BTA Speaker Pangalian Balindong na tatlong resolusyon ang pinagtibay sa plenaryo upang kilalanin ang mga naiambag ng dating pangulo sa kapayapaan at pagbabago sa Bangsamoro.

Nakapaloob sa isa sa mga resolusyon na: “The BTA expresses its gratitude for selfless contributions on the pursuit towards peace and development in the defunct Autonomous Region in Muslim Mindanao and the current BARMM.”

Kabilang din sa naipasa at naging ganap na batas sa ilalim ng administrasyong Aquino ang Republic Act No. 10153, na nagsusulong ng sabay na halalan sa ARMM at national elections bilang pagbibigay daan sa mga repormang inihahanda para sa Bangsamoro transition.

Kinikilala rin sa resolusyon ang pagsusulong ni Aquino sa Mindanao peace process sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang pangunahan ang isang pakikipagpulong kayMoro Islamic Liberation Front (MILF) chairman at ngayon ay BARMM Chief Minister Murad Ebrahim noong August 4, 2011 sa Tokyo, Japan.

Maging ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF ay nalagdaan sa ilalim ng administrasyong Aquino ang pagbuo sa GPH-MILF accords kabilang ang Framework Agreement on the Bangsamoro at ang apat na mahahalagang annexes na siyang kumumpleto sa negosasyon sa loob ng 17 taon.

Dagdag pa sa resolusyon na ang dating pangulo ay “will be remembered as Chief Executive who laid the foundations of the current Bangsamoro government and initiated the many reforms in the entire Muslim Mindanao region.” Meliza Maluntag


  •  
  •  
  •