AMBS, nagpalit-pangalan!

AMBS, nagpalit-pangalan!

September 5, 2022 @ 6:40 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – ALLTV ang bagong pangalan ng AMBS o Advanced Media Broadcasting Systems na pag-aari ni dating Senate President Manny Villar.

Bale pinalitan lang ang salitang Advanced at ginawang All.

Naging angkop tuloy ang slogan nitong “Sana All, Saya All” dahil sa pangako nitong maghahatid ng saya sa mga manonood simula sa darating na September 13.

Nitong September 5, sa kanyang Facebook page at YouTube channel inanunsyo ni Willie Revillame ang mga aabangang programa ng ALLTV.

Pati na rin ang ilang personalidad na nagmula sa GMA at ABS-CBN na hindi n’yo inakalang lilipat ay binanggit din ni Willie.

Para magkaroon ng Villar touch, ang napiling kulay ng ALLTV ay berde at orange.

Nauna rito, napabalitang kasado na ang paglipat ng mag-asawang Toni Gonzaga at direk Paul Soriano.

Ayon mismo kay Willie, welcome ang sinumang artistang walang contractual obligation sa ibang network.

Ayaw daw niya kasing maakusahang nanunulot ng mga talent.

Naiulat din ng Remate Online na nakikipag-usap ang manager ni Claudine Barretto para sa paglipat ng aktres.

Abangan kung sinu-sino pa ang magiging ALLTV stars! Ronnie Carrasco III