AMBS ni Villar, aarangkada na; Kuya Wil, kasosyo!

AMBS ni Villar, aarangkada na; Kuya Wil, kasosyo!

June 4, 2022 @ 1:38 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Things are starting to look up for Willie Revillame.

Malapit na kasing umarangkada ang Advanced Media Broadcasting Systems or AMBS na pag- aari ni dating Senator Manny Villar.

Ito ang isa sa mga pinag-usapan ng dalawa sa isang meeting kamakailan

Naganap ang meeting nila sa Crossing Cafe na pag-aari ng mga Villar sa Daang Hari.

Sakay ng kanyang chopper si Willie.

Una muna silang pumunta sa Tagaytay resthouse ng TV host saka tumuloy sa naturang pulong.

Ang latest development, ayos na ang frequency ng AMBS sa Luzon, at inaayos na ang sa Visayas at Mindanao.

Kasama sa pulong ang tatayong presidente ng kumpanya na pinagkakatiwalaan ng mga Villar.

Hahawak si Willie ng mataas na posisyon bukod sa pagiging network talent.

Nagbunga rin ang paghihintay ng TV host sa mas malaking hamon at oportunidad sa kanyang buhay.

Matatandaang February this year nang magpaalam ang programa niyang Wowowin sa GMA in favor of Villar’s offer.

Aside from Willie, sinu-sino pa kaya ang aanib sa AMBS?

Abangan! Ronnie Carrasco III