Ambulansya inambus sa Palawan, nurse patay

Ambulansya inambus sa Palawan, nurse patay

August 2, 2020 @ 11:12 AM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaking nurse matapos ambusin ng mga armadong lalaki ang ambulansya ng Rescue 165 ng local government ng Palawan kahapon.

Ayon sa ulat, nangyari ang ambush sa Barangay Dumarao, sa bayan ng Roxas.

Sinabi ni Rey Christopher Magbanua, program manager ng Palawan Rescue 165, ang biktimang namatay ay si Al Jerome Bernardo.

May isa pang kasama si Bernardo na hindi pa tinukoy ang pangalan ang nasugatan sa insidente.

Ayon kay Magbanua, pabalik na ang ambulansya sa Dumarag, Palawan nang harangin ng mga hindi pa kilalang armadong lalaki.

Ani Magbanua, tatlo ang sakay sa ambulansya, kabilang ang driver.

Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang insidente at inaalam pa ang motibo sa ambush. NCT


  •  
  •  
  •  

Loading...