Ambush sa 2 parak sa Maguindanao kinondena ng BARMM gov’t

Ambush sa 2 parak sa Maguindanao kinondena ng BARMM gov’t

September 3, 2022 @ 2:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinondena ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) government nitong Biyernes ang brutal na pagpatay sa dalawang Maguindanao policemen, kabilang ang hepe ng bayan ng Ampatuan.

Nakidalamhati si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim sa pamilya ng mga biktima at tiniyak ang hustisya para sa mga nasawing pulis.

Namatay sina Ampatuan Police Chief Lieutenant Reynaldo Orcine Samson at kanyang aide na si Police Corporal Salipuden Talipasan Endab nitong Martes, sa pananambang ng grupong umano’y pinamumunuan ng isang Guipar Abdulkarim and/or Bantukan Andog alyas Commander Boy Jacket. Tatlong pulis naman ang nagtamo ng sugat sa insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, magsisilbi sana ng arrest warrant laban sa nagngangalang Kamir Kambal alyas Meds para sa robbery with violence nang atakihin ng humigit-kumulang 10 armadong kalalakihan sa Barangay Kapinpilan.

Mariing kinondena ni Ebrahim ang aniya’y “inhumane and hostile” act at “complete departure” mula sa pagsisikap ng Bangsamoro Government ng peaceful governance, reconciliation, at pagsunod sa batas.

“The Bangsamoro Government upholds its commitment to its people in maintaining safe, harmonious, just, and respectful communities by working collaboratively with authorities to enforce existing laws of the state,” pahayag niya.

“We do not condone any act of violence, terrorism, impunity, and other forms of injustices. The Bangsamoro Government commits urgent enforcement of the law by bringing the perpetrators to justice,” giit pa niya. RNT/SA