American national at lima pa arestado habang sumisinghot ng shabu

American national at lima pa arestado habang sumisinghot ng shabu

July 7, 2018 @ 5:32 PM 4 years ago


Quezon City – Swak sa kulungan ang isang American national kasama ang limang iba pa matapos umanong mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Quezon City kagabi Hulyo 6, 2018 (Biyernes).

Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Supt. Joselito T Esquivel Jr., kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T Eleazar, kinilala ang dinakip na si George Purnell, 40, ng Yorkshire Pennsylvania, U.S.A, kasalukuyan naninirahan sa Brgy. Santo Cristo, Bago Bantay, QC, kasamang naaresto ang mga kasamahan nito na sina Maricris Jacinto,30, Tommy Taccaban,36, Renato Dacillo,55, pawang  residente ng Brgy. Bagong Pag-asa, Aris Samar Manlapaz,30 ng Macabebe, Pampanga at Edel Garcia, ng Brgy.Bahay Toro, Project 8.

Ang anim ay naaresto ng mga operatiba ng  Masambong Police Station  2 sa ilalim ni P.Supt Rodrigo Soriano.

Ayon sa ulat ng Masambong police alas-6:30 ng gabi ng Hulyo 6, 2018 nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng Sebastian St., Sitio San Roque II, Brgy. Bagong Pagasa matapos umanong makatanggap ng text ang naturang police station mula sa isang concerned citizens na may nagsasagawa ng shabu session sa San Roque 2, Brgy. Bagong Pagasa.

Agad nagsagawa ng validation ang mga pulis sa iniulat na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek habang nahuli sa akto habang sumisinghot ng shabu.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang shachets ng shabu at drug paraphernalia. (Santi Celario)

 

Sermon ang inabot ng isang American national na nahuling nagpa-pot session kasama ang lima pa. Kuha ni Jun Mestica

REMATE FILE PHOTO | JUN MESTICA

REMATE FILE PHOTO | JUN MESTICA