Amerikano tiklo sa child molestation

Amerikano tiklo sa child molestation

October 14, 2021 @ 7:41 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang  U.S. Embassy sa Pilipinas at  Bureau of Immigration (BI) ang isang  isang American citizen na may standing arrest warrant sa U.S. sa kasong ‘child molestation’ ngayong araw, ika-14 ng Oktubre 2021.

Kinilala ang suspek na si Francisco Loreno, 48 anyos at ilegal na naninirahan sa isang hotel sa Ortigas Center.

Ayon sa PCG, agad na nakipagkoordinasyon ang Embahada ng Amerika sa PCG para manmanan ang suspek sa isang hotel sa Mandaluyong City kung saan ito nag-check-in noong ika-8 ng Oktubre 2021.

Kasabay ng mahigpit na pagbabantay kay Loreno, nakipag-ugnayan naman ang PCG sa BI  para maaresto ang suspek.

Dinala ang suspek sa US Embassy sa Pilipinas para agad na maasikaso ang kanyang pagbabalik sa Amerika. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •