Amihan, easterlies magpapaulan sa buong kapuluan

Amihan, easterlies magpapaulan sa buong kapuluan

December 6, 2020 @ 8:33 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magpapaulan sa buong bansa amihan at easterlies ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magdadala ng maulap na papawirin na may pag-ulan ang amihan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Babala ng PAGASA na posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Habang bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan dala din ng amihan sa Ilocos Region at Central Luzon.

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, at Davao Region bunsod ng easterlies.

Ang Metro Manila at nalalabing parte ng bansa ay magiging bahagyang maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan dahil sa localized thunderstorm.

Posible rin pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.

Magiging katamtaman hanggang sa malakas ang alon sa mga baybayin sa Luzon at silangang bahagi ng Visayas.

Habang mahina hanggang sa bahagya ang alon sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...