Amihan, localized thunderstorm magpapaulan sa Pinas

Amihan, localized thunderstorm magpapaulan sa Pinas

March 11, 2023 @ 8:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Makararanas ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at Kanlurang Visayas  ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dahil sa northeast monsoon, iniulat ng PAGASA.

Ang Mindanao at ang nalalabing bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized na thunderstorm na may posibleng flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 6:07 a.m., at lulubog ito ng 6:06 p.m. RNT