Amihan, localized thunderstorms magpapaulan sa Pinas

Amihan, localized thunderstorms magpapaulan sa Pinas

March 10, 2023 @ 6:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ng mahinang pag-ulan ang northeast monsoon o amihan sa Luzon habang makararanas sa Visayas at Mindanao ng isolated rains dahil sa localized thunderstorms, batay sa PAGASA.

Inaasahan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dahil sa northeast monsoon.

Magkakaroon naman sa Visayas at Mindanao ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon at eastern sections ng Visayas at Mindanao ay moderate to strong patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Makararanas sa natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed patungong northeast to north direction habang ang coastal waters ay mananatiling slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:08 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:06 ng hapon. RNT/SA