Amihan, LPA magpapaulan sa bansa

Amihan, LPA magpapaulan sa bansa

March 13, 2023 @ 6:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ng pag-ulan ang Northeast Monsoon (Amihan) na nakaaapekto sa Luzon at ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Surigao del Sur sa bahagi ng bansa ngayong Lunes, ayon sa ulat ng PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Caraga at Davao Region na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa LPA.

Kaninang alas-3 ng umaga, ang LPA ay tinatayang 630 km east southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Maliit ang tsansa na lalakas ang LPA sa tropical depression, base sa PAGASA.

Samantala, magiging makulimlim sa Cagayan Valley, Apayao, Aurora, at Northern Quezon na sasabayan ng pag-ulan dahil sa Amihan.

Makararanas naman sa Visayas at natitirang bahagi ng Mindanao ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa LPA at localized thunderstorms.

Samantala, inaasahan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dahil sa monsoon.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa seaboards ng Luzon at silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa natitirang bahagi ng bansa, ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:06 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:06 ng hapon. RNT/SA