Amihan magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Norte, Apayao, Batanes, Cagayan

Amihan magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Norte, Apayao, Batanes, Cagayan

October 29, 2020 @ 10:57 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Norte, Apayao, Batanes, Cagayan dala ng amihan, ayon sa PAGASA.

Habang ang Caraga, at Davao Region naman ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dala ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang hanggang sa maulap na may panaka-nakang pag-ulan dala ng localized thunderstorms.

Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Magiging bahagya hanggang sa malalakas ang hangin sa Luzon na umiihip sa hilagang-silangan patungong silangan habang katamtaman hanggang sa malakas ang alon sa karagatan.

Sa Visayas at Mindanao naman ay magiging mahina hanggang sa katamtaman ang ihip ng hangin sa direksyong hilagang-silangan patungong hilaga habang mahina hanggang sa katamtaman ang alon.

Samantala, namataan ang Tropical Storm Goni sa 1,705 kilometro ng gitnang Luzon na may maximum sustained winds na 65 kph at may bugsong aabot sa 80 kph at gumagalaw patungong kanluran sa bilis na 10 kph. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...