Amihan magpapaulan pa rin sa Luzon

Amihan magpapaulan pa rin sa Luzon

February 26, 2023 @ 7:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto pa rin sa Luzon ang northeast monsoon o Amihan partikular na sa hilaga at silangang bahagi nito.

Sa weather forecast ng PAGASA, sinabi nito na ang Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Amihan.

Posibleng magdulot ng pagbaha at landslide ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na dala nito.

Makakaapekto rin sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ang naturang weather system na magdadala ng maulap na kalangitan na may mga mahihinang pag-ulan.

Samantala, ang Palawan, Visayas, at Mindanao ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC