Amihan magpapaulan sa bahagi ng Luzon

Amihan magpapaulan sa bahagi ng Luzon

March 6, 2023 @ 6:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Patuloy na nakaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Luzon ngayong Lunes at magpapaulan sa ilang lugarm ayon sa weather forecast ng PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley, Apayao, Aurora, at Quezon na sasabayan ng pag-ulan dahil sa monsoon.

Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, maliban sa Bicol Region at Palawan, ang “partly cloudy to at times cloudy skies with light rains” dahil sa monsoon.

Makararanas sa Bicol Region at Eastern Visayas ng maulap na kalangtan na may kalat na pag-ulan dahil sa shear line.

Samantala, inaasahan sa Mindanao, natitirang bahagi ng Visayas, at Palawan ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Magiging moderate to rough ang coastal waters sa buong bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:10 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:05 ng hapon. RNT/SA