Amihan magpapaulan sa bahagi ng N. Luzon

Amihan magpapaulan sa bahagi ng N. Luzon

December 17, 2022 @ 8:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ng maulap na kalangitan ang northeast monsoon o amihan na sasabayan ng pag-ulan sa bahagi ng Northern Luzon ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at hilagang bahagi ng Quezon na sasabayan ng pag-ulan dahil sa northeast monsoon o amihan.

Makararanas naman sa Ilocos Region ng “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dahil din sa northeast monsoon.

Inaasahan din sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at localized thunderstorms.

Makararanas naman ang Luzon at Visayas residents ng moderate to strong wind speed patungong northeastward na may moderate to rough coastal waters.

Ang wind speed sa Mindanao ay magiging light to moderate patungong northeastward habang abg coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:14 ng umaga, at lulubog mamayang alas-5:30 ng hapon. RNT/SA