Amihan magpapaulan sa Batanes, Babuyan Islands

Amihan magpapaulan sa Batanes, Babuyan Islands

November 20, 2020 @ 6:33 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magpapaulan ang amihan sa Batanes at Babuyan Islands ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magdadala ito ng bahagya hanggang maulap na papaiwirin na may kalat-kalat na mahihinang pag-ulan ang amihan sa mga nasabing lugar.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may kalat-kalat na pag-ulan dala ng localized thunderstorm.

Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Bahagyang mahangin naman sa extreme northern Luzon na umiihip sa hilagang-silangang patungong silangan habang katamtaman hanggang sa malakas ang alon sa mga baybayin.

Habang ang nalalabing parte ng bansa ay magiging mahina hanggang sa bahagya ang lakas ng hangin sa direksyong hilagang-silangan habang mahina hanggang sa katamtaman ang alon. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...