Amihan magpapaulan sa Cagayan Valley, bahagi ng bansa

Amihan magpapaulan sa Cagayan Valley, bahagi ng bansa

February 27, 2023 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magpapaulan ang Northeast Monsoon (Amihan) na nakaaapekto sa Luzon at Visayas ngayong Lunes sa Cagayan Valley at iba pang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Ilocos Norte, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro at Marinduque na sasabayan ng ulan.

Inaasahan sa Mindanao ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Makararanas naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to at times cloudy skies” na may mahinang pag-ulan dahil sa monsoon.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa seaboards ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:14 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:03 ng hapon. RNT/SA