Amihan magpapaulan sa Cagayan Valley, bahagi ng Luzon

Amihan magpapaulan sa Cagayan Valley, bahagi ng Luzon

February 25, 2023 @ 8:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Patuloy na nakaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Luzon ngayong Sabado at magpapaulan sa Cagayan Valley at iba pang lugar, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora dahil sa monsoon.

Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon maliban sa Palawan ang  “partly cloudy to at times cloudy skies with light rains” dahil din sa Amihan.

Samantala, makararanas ang Palawan, Visayas, at Mindanao ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa seaboards ng Luzon at sa eastern sections ng Visayas at Mindanao.

Sa natitirang bahagi ng bansa, ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:16 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:03 ng hapon. RNT/SA