Amihan magpapaulan sa Ilocos, CAR, Cagayan Valley  

Amihan magpapaulan sa Ilocos, CAR, Cagayan Valley  

November 18, 2020 @ 8:20 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patuloy na makaaapekto ang hanging  Amihan sa hilagang Luzon habang easterlies naman sa nalalabing bahagi ng bansa, batay sa PAGASA.

Dulot nito, makararanas ng mga pag-ulan ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley.

Maulap na kalangitan naman ang mananaig sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa  na dala ng easterlies.

Samantala, nagbabala naman ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...