Amihan magpapaulan sa Luzon

Amihan magpapaulan sa Luzon

February 22, 2023 @ 6:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magdadala ang amihan ng maulap na papawirin at pag-ulan sa iba’t ibang lugar sa Luzon ngayong Miyerkules, iniulat ng PAGASA.

Ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dulot ng hilagang-silangan na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Palawan, Visayas, at Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized na thunderstorm na may posibleng flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dulot din ng hilagang-silangan na monsoon ngunit walang makabuluhang epekto.

Sumikat ang araw bandang 6:17 a.m., at lulubog ito 6:02 p.m. RNT