Amihan magpapaulan sa NCR

Amihan magpapaulan sa NCR

March 12, 2023 @ 8:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Patuloy na mananaig ang Northeast Monsoon o Amihan ngayong Linggo at magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.

Sa kabilang banda, ang Visayas at Mindanao ay maaaring asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms. Sa panahon ng matinding bagyo, posibleng magkaroon ng flash flood o landslide.

Sumikat ang araw bandang alas-6:06 ng umaga habang lulubog ito mamayang alas-6:06 ng gabi. RNT