Amihan makaaapekto sa Pinas

Amihan makaaapekto sa Pinas

January 4, 2022 @ 7:15 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Makaaapekto ang hanging Amihan sa buong bansa ngayong Miyerkoles, Enero 4, batay sa PAGASA.

Partikular na mararamdaman ito sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region gayundin sa Bicol Region, Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon.

Habang uulanin din ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, ibinabala naman ng PAGASA ang posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat.

Sumikat ang araw kaninang 6:22 a.m. at lulubog mamayang 5:40 p.m. RNT/FGDC