Amihan season nagsimula na!

Amihan season nagsimula na!

October 21, 2022 @ 7:21 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Opisyal nang nagsimula ang Amihan season!

Ito ay ayon sa anunsyo ng PAGASA kung saan ang bansa ay maaaring makaranas ng mas malamig na temperatura sa mga susunod na buwan.

Anang weather bureau na malakas na hanging amihan ang iihip sa Northern Luzon dahil sa paglakas ng high pressure system sa Siberia.

Naobserbahan din ang unti-unting paglamig ng surface air temperature sa hilagang-silangan ng Luzon, ayon pa sa state weather bureau.

Samantala, sinabi ng PAGASA na dahil sa patuloy na La Niña, maaari nitong mapahusay ang Amihan at magdulot ng pagbaha, flash flood, at pagguho ng lupa na dulot ng ulan sa mga lugar na madaling kapitan.

“Samakatuwid, ang lahat ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at ang publiko ay pinapayuhan na gumawa ng mga hakbang sa pag-iingat upang mabawasan ang mga potensyal na epekto ng mga kaganapang ito,” paalala pa nito. RNT