Amihan, shear line magpapaulan sa bansa

Amihan, shear line magpapaulan sa bansa

March 2, 2023 @ 6:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahan na magdudulot ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon ang northeast monsoon o amihan ngayong Huwebes, Marso 2.

Kasabay nito, ayon sa PAGASA ay uulanin din ang mga bahagi ng Visayas at Mindanao dahil naman sa shear line.

Ang Caraga, Southern Leyte, at Davao Oriental ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan dahil sa shearl line na may posibilidad ng pagbaha at landslide dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Maulap na kalangitan na may katamtaman hanggang malakas na pag-ulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora, Quezon, at Oriental Mindoro dahil sa amihan.

Apektado rin ng shear line at localized thunderstorm ang Palawan at natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dulot ng amihan. RNT/JGC