Amihan, shearline, localized thunderstorm magpapaulan sa Pinas

Amihan, shearline, localized thunderstorm magpapaulan sa Pinas

February 28, 2023 @ 6:37 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Magsasanib-pwersa ang northeastern monsoon o amihan, shear line, localized thunderstorms na magdadala ng maulap na kalangitan, pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, iniulat ng PAGASA.

Ang Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dulot ng hilagang-silangan na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang natitirang bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line na may posibleng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon na may bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dulot din ng northeast monsoon ngunit walang makabuluhang epekto.

Ang Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 6:14 a.m., at lulubog ito mamayang 6:04 p.m. RNT