Amihan, tail-end of a frontal system magpapaulan sa Luzon, Visayas

Amihan, tail-end of a frontal system magpapaulan sa Luzon, Visayas

January 10, 2021 @ 8:29 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan ang amihan at tail-end of a frontal system sa Luzon at Visayas ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan sa silangan at gitnang Visayas dala ng tail-end of a frontal system.

Posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Makaaapekto naman ang amihan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora, at Quezon.

Magdadala ito ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan.

Habang bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing parte ng bansa bunsod din ng amihan.

Sa Kanlurang Visayas at Mindanao naman ay magiging katamtaman hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan dahil sa localized thunderstorm.

Posible rin ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang ulan.

Samantala, magiging bahagya hanggang sa maalon sa mga baybayin ng Luzon at aabot hanggang apat na metro ang taas ng alon sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Magiging mahina hanggang sa bahagya rin ang alon sa nalalabing baybayin ng bansa. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...