Amir Johnson, pagmumultahin dahil sa paggamit ng cellphone

Amir Johnson, pagmumultahin dahil sa paggamit ng cellphone

April 14, 2019 @ 1:44 PM 3 years ago


United States – Pinagmumulta ng Philadelphia 76ers ang beteranong center na si Amir Johnson nitong Sabado bunsod ng paggamit nito ng cellphone sa bench sa natalong laban ng kupunan kontra Brooklyn Nets, 111-102, sa Game 1 ng playoff series.

Kitang-kita sa TV camera ang ginawang pagpapakita ni Johnson sa kaniyang teammate na si Joel Embiid ng kaniyang cell phone sa bench sa ikaapat na kwarter ng laban. Matapos niya ipakita kay Embiid ang kaniyang cell phone, inilagay ito ni Johnson sa bulsa ng kaniyang warm-ups.

“I apologize for having my phone on the bench in today’s game,” ani Johnson sa isang statement na inilabas ilang oras lang matapos ang laban ng 76ers. “I take full responsibility and will accept the consequences of my actions. I also apologize to my teammates, the 76ers organization and the fans for the distraction this has caused.”

Depensa naman ni Embiid, ipinakita lang ni Johnson ang kaniyang cellphone dahil may sakit ang kaniyang anak at naalala ito sa kaniya.

Ayon kay Sixers general manager Elton Brand, pinagmumulta ng team si Johnson dahil sa detrimental conduct, ngunit hindi sinabi kung magkano ang halaga nito.

Ang paggamit ng cell phone sa bench ay ipinagbabawal sa NBA games. Ayon sa NBA Operations Manual, sa ilalim ng “Use of Technology” section, ang paglabag ay magreresulta ng “substantial fines and/or suspensions.”/Remate News Team