Ammunition wastage pinasosolusyunan sa DND, AFP

Ammunition wastage pinasosolusyunan sa DND, AFP

January 23, 2023 @ 1:13 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Nakatutok na ang Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense sa pag-iisip ng paraan upang maiwasan ang mga pagkasayang sa suplay ng mga bala.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. nitong Lunes, Enero 23.

“We are looking forward na kung paano ma-recycle siya or ma-put in good use,” ani Galvez.

Hindi naman ito nagbigay ng eksaktong numero kung gaano karami ang mga nasayang na bala na dulot ng mababang konsumo.

Ani Galvez, tumitingin na rin sila ng paraan kung paano masosolusyunan ang shelf life ng kanilang ammunition supply at ipinuntong hindi lamang nila basta-bastang ididispatsa ang mga nasayang na bala.

“We would like to encourage ‘yung ating Defense Department together with the AFP (Armed Forces of the Philippines) na talagang dapat ma-optimize natin ‘yung ating mga [we should optimize our] resources, both ‘yung ating logistics and financial,” sinabi pa niya.

Pagtatapos ni Galvez, isa sa mga ikinukunsidera nila ay ang paggamit ng mga balang ito sa mga pagsasanay. RNT/JGC