Amnestiya para sa mga rebelde hirit ng Peace adviser

Amnestiya para sa mga rebelde hirit ng Peace adviser

August 6, 2022 @ 3:15 PM 4 days ago


MANILA, Philippines- Itinutulak ni Presidential peace adviser Carlito Galvez Jr. ang pagkakaloob ng amnestiya para sa Moro at communist rebels bilang “key cornerstone” sa naging panawagan na national unity ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ani Galvez, ang pagsusulong para sa amnestiya sa pamamagitan ng organisasyon ng National Amnesty Commission (NAC) ay nagmula sa pamana ng namayapa at dating Pangulong Fidel V. Ramos na noong kanyang panunungkulan ay agresibong nagsusulong ng kapayapaan sa iba’t ibang rebeldeng grupo kabilang na ang mga sundalo na nagpartisipa sa hindi na mabilang na tangkang pagpapabagsak sa administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

“Under the Marcos administration’s banner of national unity, we seek inspiration from the legacy of peace that has been left behind by FVR. We will honor his memory by continuing what he had started,” ayon kay Galvez.

Si Galvez, ay benepisaryo ng amnesty proclamation ni Ramos para sa mga rebeldeng sundalo noong 1996, na nagpartisipa sa 1989 coup.

“I will forever be grateful to FVR because he gave me and my fellow officers a second chance in life. It was through that amnesty proclamation that I was able to revive my military service,” pag-alala ni Galvez, na sa kalaunan ay naging chief of staff ng armed forces ng bansa.

“With the creation of the NAC, we hope to provide former rebels with an opportunity to fully reintegrate themselves into mainstream society as peaceful, productive, and law-abiding individuals,” ayon kay Galvez.

“More importantly, the national government would like to send a clear and strong message that through the granting of amnesty, it is determined to address the roots of the armed conflict in the country and provide a better life for the former combatants,” dagdag na pahayag nito.

Ang seven-member NAC ay nilikha ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng Executive Order No. 125 na ipinalabas noong Pebrero 2021.

Ipinalabas din ni Duterte ang Presidential Proclamation Nos. 1090, 1091, 1092, at 1093 na nagkaloob ng amnestiya sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade-Tabara Paduano Group na kilala ngayon bilang Kapatiran, at Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), na sinasabing nakagawa ng krimen sa panahon ng “armed struggle laban sa estado.” Kris Jose