Amnestiya sa MILF, MNLF, RPMP-RPA-ABB members, pinagtibay ng Senado

Amnestiya sa MILF, MNLF, RPMP-RPA-ABB members, pinagtibay ng Senado

January 25, 2022 @ 3:15 PM 8 months ago


Manila, Philippines  – Pinagtibay nitong Lunes ang tatlong resolusyon mula sa Mababang Kapulungan na nagbibigay ng amnestiya sa miyembro ng  Moro Islamic Liberation Front, Moro National Liberation Front, at ang  Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB) na nakagawa ng krimen sa ilalim ng umiiral na batas.

Natuklasan na pinagtibay ng Senado ang   House Concurrent Resolutions 12, 13, at 14 nng walang amendments, sa botong 18-0-0 sa lahat.

Sa pag-isponsor sa panukala bilang chairman ng Senate National Defense and Security, Peace, Unification, and Reconciliation Committee, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na magbibigay daan ang resolusyon bilang maibigay ng pagkakatson na maghilom ang sugat na dala ng walang katapusang pakikibaka sa kapayapaan at pagkakaisa.

 Idinagdag niya “an opportune time to embrace back into society those who went beyond the folds of our laws in furtherance of their political beliefs and aspirations.”

Pinagtibay ang panukala bilang pagtugon sa   Presidential Proclamation Nos. 1090, 1091, at 1092, na nagbibigay amnestiya sa miyembro ng tatlong grupo at Executive Order 125 na lumikha sa National Amnesty Commission.

 “To say that this is an ‘act of compassion’ may not be enough without emphasizing what it truly stands for, that is an act of mercy not only for those who will be granted amnesty but also for those who seek a true and lasting national peace and reconciliation,” aniya.

“This is just an abridged narrative of our decades-long battle against this political divide. In the foreground of all of these peace negotiations, nonetheless, is the promise of the government not only of socio-economic development but of the granting of amnesty,” giit pa ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na panahon ito para sa Senado ns tumindig sa pangakong makamit ang obhektibo ng pamahalaan sa   “myriad of peace negotiations.”

“Through these amnesty grants, we are handing out second chances to the over 7,600 prospective applicants who are willing to have a new start in life in a secure place in society,” aniya.

Ipinaliwanag ni Lacson na pagkilos ng may kompasiyon ang pagbibigay ng amnestiya sa bahagi ng gobyerno at magkaroon ng pagkakataon na maghilom ng sugat sa patuloy na bagbakan.

“More importantly, this is our time to heal. If viewed the same by all parties concerned, then our concurrence may be another step closer towards reconciliation, and ultimately the attainment of lasting peace,” patapos niya. Ernie Reyes