Amnesty Commission prayoridad ni Galvez

Amnesty Commission prayoridad ni Galvez

October 9, 2022 @ 10:35 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Prayoridad na buuin ang National Amnesty Commission (NAC) bago matapos ang taon ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa pangunguna ni Secretary Carlito Galvez Jr.

Ito ang sinabi niya nitong Biyernes, Oktubre 7 kasabay ng regional summit kasama ng mga dating communist guerillas o “Friends Rescued” kung saan mayroon na silang shortlist ng pangalan na under evaluation na.

Ang NAC ay nasa ilalim ng Executive Order No. 125 na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 18, 2021 na bubuoin ng isang chair at anim na commissioners.

Sa nabanggit na bilang, apat ang magiging ex-officio members, ang justice secretary, defense secretary, interior secretary at presidential adviser on peace, reconciliation and unity samantala ang dalawa iba pa ay magiging regular na miyembro.

Samantala, naipasa na ang proposed budget ng NAC sa Kongreso ayon kay Galvez.

Umaasa naman ito na sa oras na mabuo na ang NAC ay makapagsimula nang tugunan ang mga aplikasyon.

Nasa panig naman ng militar ang pagsasaayos ng listahan ng mga dating rebelde na may pending na kaso at sinusuri naman ng National Intelligence Coordinating Agency para sa pagbibigay ng safe conduct pass bilang bahagi ng security transition. RNT/JGC