Amnesty program, samantalahin – CBCP

Amnesty program, samantalahin – CBCP

August 6, 2018 @ 4:09 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Nanawagan ang isang Catholic bishop sa mga hindi dokumentadong overseas Filipino workers (OFWs) sa United Arab Emirates (UAE) na samantalahin ang amnesty program na iniaalok sa kanila ng pamahalaan doon.

“We appeal to our OFWs to avail of this amnesty so as to regularize their residency status or enable to seek new employment status,” panawagan pa ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)- Commission on Migration and Itinerant People, sa mga OFWs sa UAE.

Naniniwala ang Obispo na malaki ang benipisyong makukuha ng mga OFW sa tatlong buwang amnesty program kung nais nilang makabalik at patuloy pang makapanatili sa UAE.

“It is very beneficial and blessing for our undocumented OFWs to correct their immigration status or repatriate without penalty to our country,” aniya pa.

Nabatid na ang naturang amnesty program ay sinimulan noong Agosto 1 at magtatagal lamang hanggang sa Oktubre 31.

Sakop ng programa ang mga migrant workers mula sa iba’t ibang nasyon, kabilang ang mga OFWs, na overstaying na doon.

Sa ilalim ng programa, papayagan ang mga hindi dokumentadong dayuhan na makauwi sa kani-kanilang bansa ng walang anumang legal repercussions.

Pinuri naman ng Obispo ang UAE dahil sa pag-aalok ng naturang programa sa mga migrant worker.

“This amnesty program is a very consoling and compassionate move of UAE,” aniya pa.  (Macs Borja)