Amo sinaksak ng alalay sa Christmas bonus

Amo sinaksak ng alalay sa Christmas bonus

December 19, 2022 @ 4:16 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Agaw-buhay ang isang negosyante nang saksakin ng kanyang helper matapos na magtalo dahil umano sa Christmas bonus sa Malabon.

Nananatiling nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng mga sa katawan ang biktimang si Edgardo Manggay, 64, ng Barangay Tañong, ng lungsod, habang nasakote naman ang suspek na si Jazel Casin, 22, ng nasabi ring barangay.

Dakong alas-3:30 ng hapin umano kamakalawa nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima, at ayon sa mga tanod na sina Mario Dela Cruz at Romeo Bayles, habang naka-duty sila ay nakita nila ang biktima na naglalakad mula sa kanyang bahay na may mga saksak at pumara ng pampasaherong tricycle kaya’t nilapitan nila ito.

Dito nila nalaman na sinaksak ang biktima ng kanyang helper kaya’t itinakbo nila ito sa ospital habang rumesponde naman ang iba pang mga tanod sa bahay ng negosyante kung saan nabulaga si Casin na duguan ang kamay kaya’t agad siyang hinuli. Merly Iral