Amores sinulatan ni VP Sara!

Amores sinulatan ni VP Sara!

December 7, 2022 @ 7:08 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinulatan ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang suspendidong manlalaro ng Jose Rizal University na si John Amores.

Natuwa naman si Amores, na tinanggal mula sa Jose Rizal University (JRU) basketball program matapos smag-amok sa NCAA league.

“It’s my pleasure receiving this kind of gesture from our Dearly VP Sarah Duterte ❤️” aniya sa isang Instagram post, kung saan ipinakita niya ang envelope na naglalaman ng sulat.

“‘Tandaan ang leksyon, hindi ang pagkakamali, May kaibigan ka sa Office of the Vice President,” saad sa sulat ni VP Inday na siya ring Education Secretary.

Bilang tugon, sinabi ni Amores: “It was a great honor Mam thank you for those words of encouragement.”

“May isang tao na ipapaalala sayo na Mahalaga ka kahit di mo ano ano,” dagdag ni Amores. “Hindi ako mawawalan ng pag-asa; sa isang lugar sa pagitan, sa pinakamadilim na panahon ng aking buhay, mayroon pa ring liwanag.”

Nagdulot ng kontrobersiya ang 23-anyos na manlalaro nang pagsususuntukin ang tatlong manlalaro ng College of St. Benilde noong Nobyembre 8. RNT