AMOY KAMPANYAHANG 2022 NA

AMOY KAMPANYAHANG 2022 NA

June 6, 2021 @ 7:22 PM 2 years ago


LABING isang buwan na lamang at Halalang Pampanguluhan na naman.

Sa Mayo 9, 2022 ito.

Marami na ang mga lumulutang na pangalan para sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa, ang Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Sino-sino nga ba ang naghahangad na masungkit ang sentro ng poder ng kapangyarihang pampulitika sa bansa?

Marami nang pangalan mula sa hanay ng administrasyon at oposisyon ang lumulutang ngunit wala pang kasiguruhan.

Magkakaalaman lamang bago ang itinakang filing ng certificate of candidacy (COC) ng Commission on Elections sa Oktubre 1 hanggang 8, 2021.

Sa hanay ng maka-administrasyon, lumulutang ang pangalan nina Mayor Sara Duterte, dating Senador Bongbong Marcos, Senador Bong Go, Sen. Manny Pacquiao at pinakahulingĀ  nadagdag si dating House Speaker Allan Cayetano.

Sa Pangalawang Pangulo naman, hinihikayat ng PDP-Laban si Pangulong Duterte na kumandidato at lumutang din ang pangalan ni Sen. Bong Go.

Sa hanay naman ng oposisyon, sa binuong 1Sambayan, target nilang mapag-isa ang lahat ng pwersang anti-administrasyon at makapagpalaban ng isang standard bearer na kanilang ipantatapat sa administrasyon upang matiyak ang panalo.

Si VP Leni Robredo ang pinakamalakas nilang pambato ngunit hindi pa nagdedesisyon.

Lumulutang din ang mga pangalan nina dating Senador Antonio Trillanes, Senadora Nancy Binay, Senadora Grace Poe at Mayor Isko Moreno.

Sa Pangalawang Pangulo naman, maaaring bumaba si Prof. Trillanes at lumutang din ang pangalan nina Atty. ChelĀ  Ā Diokno at Cong. Vilma Santos.

Kaabang-abang kung sino ang pambato ng administrasyon at oposisyon na magtatapat sa halalan at kung sino ang kakalas para lumaban nang independent dahil sa hindi sila ang opisyal na mapipili.

Samantala, nasa ating mamamayan naman nakasalalay ang kapangyarihan para makapaghalal ng mga karapat-dapat na maging Pangulo at Pangalawang Pangulo ng ating bansa na magsusulong ng pangmatagalang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng ating minamahal na bansang Pilipinas.

oOo

PERSONAL: Taos-pusong pasasalamat kina MamĀ  Lydia BendaƱa Bueno (EIC) at Sir Usec. Benny Antiporda na naging daan upang ako ay makapagsulat sa pamosong pahayagang Remate. Salamat po sa tiwala. Mabuhay po kayo!