Butuan City – Umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa kuwarto ng paupahang bahay sa Barangay Obrero sa Butuan City kaya’t nabahala ang mag residente at inakalang galing ito sa chop-chop na bangkay.
Nanggagaling daw ang amoy sa isang kuwarto ng paupahang bahay na matagal-tagal nang hindi inuuwian ng may-ari nito.
Ang nakatira sa kwarto ay isang Pinay at ang kaniyang kinakasamang Koreano.
Nangamba ang mga residente na baka bangkay ang masamang amoy na nanggaling sa kwarto, dahil ilang araw pa lang ang nakakalipas nang may natagpuang mga parte ng katawan sa katabing lungsod ng Bayugan.
Dahil dito, nagpatawag ang mga residente ng pulis upang halughugin ang saradong kuwarto at nakitang nanggagaling lang pala ang masangsang na amoy sa bugok na itlog.
Wala mang natagpuang bangkay sa loob ng kwarto, patuloy pa rin namang pinaghahanap ng pulis ang Pinay at ang kaniyang kalive-in na Koreano. (Remate News Team)