Amyenda sa AFP fixed term law papaspasan ng Senado

Amyenda sa AFP fixed term law papaspasan ng Senado

January 12, 2023 @ 9:51 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Papaspasan ng mga senador para amyendahan ang batas na nagtatakda ng fixed three-year term para sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines sa pag-asang mapawi ang mga pag-ungol sa militar.

Sinabi ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na mayroong technical working group na nag-aaral ng mga posibleng pagbabago.

Anang Senador na kung siya lang ang tatanungin dapat ay ang AFP chief of staff lang ang saklaw ng batas.

“Napakaraming colonels and even the low-ranking generals they cannot anymore resume the position, walang promotion. Titigil ang promotion. Kaya tiyak na magkakaroon ng problema kaya we are now hell-bent on amending the law,” anang senador sa Kapihan sa Manila Bay media forum.

Giit ni Zubiri gusto niyang maipasa ang amyenda sa loob ng unang quarter ng taon, na sinasabing makakatulong para maibalik ang katatagan ng mga tropa.

Si Lt. Gen. Bartolome Bacarro ay dapat ang unang hepe ng AFP na sakop ng fixed term law na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 2022. Ngunit sa isang sorpresang hakbang, muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Gen. Andres Centino.

Samantala, sinabi ni Zubiri na si Centino — na dating hepe ng AFP mula Nobyembre 2021 hanggang Agosto 2022 bago pinalitan ni Bacarro — ay inaasahang dadaan sa Commission on Appointments. RNT