Ana, balik-trabaho after ng ‘bugbugan incident’

Ana, balik-trabaho after ng ‘bugbugan incident’

April 10, 2022 @ 12:30 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Palalampasin lang ni Ana Jalandoni ang Holy Week at ready na siyang muling sumabak sa trabaho.

Obyus na nakatulong kahit paano ang kinasangkutan niyang gulo involving her boyfriend Kit Thompson.

Weeks ago’y naìulat ang pambubugbog ni Kit kay Ana. Naganap iro sa isang hotel sa Tagaytay City.

Nagsampa na ng kaukulang kaso si Ana.

Dahil nga roon ay maraming movie producer ang interesadong kumuha ng serbisyo ni Ana.

Sa katunayan, kuwento ng abogado niyang si Atty. Faye Singson, nagkaroon sila ng meeting kamakailan for a possible film project for Ana.

Sa text message na ipinadala nito sa PEP, pinayuhan daw niya si Ana na palipasin ang Mahal na Araw, at the same time ay magkaroon ng introspection o muni-muni at soul-searching.

May kasunod pa ito na ididirek naman ni Xian Lim pero wala si Ana sa cast.

Ana hopes to produce more movies kahit hindi man siya ang bida.

Matatawag itong silver lining sa buhay ni Ana na sa kabila ng sinapit niya sa mga kamay ng nobyo’y may suwerteng dumarating sa kanya. Ronnie Carrasco III