Ana Jalandoni, sasampahan ng patong-patong na kaso si Kit Thompson!

Ana Jalandoni, sasampahan ng patong-patong na kaso si Kit Thompson!

March 29, 2022 @ 8:28 AM 3 months ago


Manila, Philippines – Finally, humarap na ang kontrobsersyal na aktres na si Ana Jalandoni sa isang press conference upang magbigay ng update sa physical abuse case na isasampa niya laban sa boyfriend na si Kit Thompson.

Tinanong si Ana kung willing ba siyang patawarin si Kit sa pananakit sa kanya.

“I’m willing to forgive Kit, but he has to face the consequences of his actions.”

Ayon naman sa legal counsel ni Ana na si Atty. Faye Singson, ay magsasampa pa sila ng dalawang kaso laban kay Kit: frustrated homicide at illegal detention.

Sinabihan naman ni Jalandoni si Thompson na ayusin nito ang kanyang sarili. Joey Sarmiento