Ana, napatawad na si Kit; kasong isinampa, tuloy!

Ana, napatawad na si Kit; kasong isinampa, tuloy!

June 11, 2022 @ 1:36 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Marami pa rin ang hindi nakaka-move on dalawang buwan matapos ang bangungot na dinanas ni Ana Jalandoni sa ex boyfriend na si Kit Thompson.

Pero the actress seemed to be so forgiving dahil inamin nito mismo na napatawad na niya si Kit matapos ang pananakit nito sa kanya.

Hindi naiwasan ng press na humingi ng update tungkol sa nangyari at hindi naman umiwas si Ana.

Malumanay pa ang pagkakasabi nitong, “Opo, napatawad ko na siya.”

Ni-let go na aniya ang galit at ipinagpasa-Diyos na lang ito.

Nahirapan man sa proseso ay kinailangan niya rin itong gawin para maka-move on at makapag-umpisa sa buhay na gusto niya.

Truly, she’s a strong woman. But to be clear, yes napatawad pero ang kasong isinampa laban kay Thompson, tuluy-tuloy pa rin.

It was in March noong naging laman ng balita sina Ana at Kit matapos bugbugin ng pangalawa ang aktres sa isang hotel sa Tagaytay. Paula Jonabelle Ignacio