Anak ginilitan ng ama sa tahol ng aso

Anak ginilitan ng ama sa tahol ng aso

November 14, 2022 @ 4:42 PM 3 weeks ago


BACOOR CITY- Patay ang isang lalaki matapos laslasan ng sariling ama dahil sa ingay ng alaga nitong aso kagabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang namatay na si Remcar Citra, nasa hustong gulang, habang tugis naman ang suspek at ama nitong si Dante, kapwa residente sa Barangay Molino 6, Bacoor City.

Batay sa report ng Bacoor City Police Station, bandang alas-8:00 ng gabi umuwi ng kanilang bahay ang biktima na dala ang alagang aso.

Ayon sa pulisya, hindi tumigil sa pagtahol ang aso kaya kinausap ng matandang Citra ang anak na patahimikin ito na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Patuloy pa rin sa pag-iingay ang aso kaya kumuha na ng kutsilyo ang ama at nilaslas ang leeg ng anak na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico