Anak idinemanda ng mga magulang sa kawalan ng apo

Anak idinemanda ng mga magulang sa kawalan ng apo

May 13, 2022 @ 1:25 PM 2 months ago


INDIA – Kinasuhan ng mental harassment ng isang mag-asawa ang kanilang sariling anak sa hindi pagkakaroon ng anak sa matagal nang panahon.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga magulang na sina Sanjeev at Sadhana Prasad, 61 at 57 anyos, at ang kanilang anak na si Shrey Sagar, 35, at parehong naninirahan sa Uttarakhand.

Pahayag ni AK Srivastava, abogado ng mag-asawa, sinisingil na rin ng mag-asawa ang kanilang anak sa gastos sa pagpapalaki rito, pagpapaaral, pagpapakasal at pagsustento sa mga panahong wala itong trabaho.

Nagkakahalaga ng kabuuang $650 ang gustong singilin nina Sanjeev kay Shrey, kabilang na ang $65,000 para sa pag-aaral na maging piloto at $80,000 para sa pagpapakasal ng hulis sa mamahaling hotel

Paliwanag nina Sanjeev, makaraang makatapos sa kursong piloto si Shrey, ipinakasal nila ito kay Shubhangi Sinha, 31, noong 2016 ngunit hindi pa rin sila nagkakaanak.

Nais nila umanong magkaroon ng apo na kanilang makakasama at makalalaro sa kanilang pagreretiro sa trabaho  ngunit binigo sila ng kanilang anak. RNT