Anak kinatay ng ama

Anak kinatay ng ama

October 20, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


PANGASINAN- PATAY ang isang anak matapos ataduhin ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ng sariling ama dahil sa kalasingan, Huwebes sa San Carlos City.

Kinilala ang biktimang si Sammy De Guzman, 38-anyos habang sumuko naman sa pulisya ang suspek at ama na si Salvador De Guzman, 68, kapwa residente sa Barangay Bolosan lungsod ng San Carlos.

Ayon kay Police Major Rommel Sembrano, chief investigator ng San Carlos City Police Station, lasing ang suspek ng magkaroon ng sila ng komprontasyon ng biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Agad na kumuhan ng kutsilyo ang matandang de Guzman at pinagsasaksak ang anak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isinugod naman sa ospital ang batang de Guzman para lapatan ng lunas subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cellng San Carlos Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong parricide. Mary Anne Sapico